Kapansin-pansin ang mabilis na pagbabagong naganap sa ating bayan kasabay ito ang mabilis ding pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa. Bunsod ng pag-unlad na ito ang unti-unting pagkawala at paglimot ng mga kabataang pinoy sa tradisyong naging mahalagang parte ng buhay nating mga pilipino.. ang "Larong Pinoy" na tanging sa ating bansa lamang matutunghayan...
Nakakalungkot mang isipin pero ito ang reyalidad ng buhay na hindi natin mapipigilan.. Hindi naman masama ang maghangad tayo ng pag-unlad, ngunit kasabay ng pag-unlad na ating minimithi ay ang unti-unting paglimot sa ating nakagisnang tradisyon.. Marami sa kabataan ngayon ang hindi marunong maglaro ng piko, taguan, sipa at iba pa... Pero kung ang pag-uusapan ay online games at kung anu-ano pang larong nauuso, yan dyan sila nangunguna at hidi papatalo.. Sinilat ko ang page na ito na naghahagad ng muling pagbuhay at pagkilala sa natatanging laro na sa pilipinas lamang matatagpuan.. Hinihimok ko ang lahat ng kapwa ko pilipinong kabataan na bigyang buhay ang larong pinoy... Kung mabibigyan sana ako ng pagkakataon, gusto ko sana magkaroon kahit isang araw lamang na kung saan maglulungsad ng malawakang pagbibigay pahalaga sa at muling pagbuhay sa larong pinoy na kung saan maraming kabataan ng iimbitahan para muling lasapin ang kasiyahang minsay nagbigay saya sa ating mga PILIPINO..


