Ang edukasyon ang pinaka-YAMAN ng isang tao. Mag-ARAL tayo, magSIKAP at maging INSPIRASYON ng bawat isa KAPAMILYA! Napakaraming eskwelahan ang kulang sa classroom,guro, supplies at maging upuan. Bagamat maraming kakulangan ang mga estudyante, pumapasok at nagsisikap sila upang makapagtapos ng pag-aaral. Kaya't dahil na rin sa pagmamahal ng mga KAPAMILYA natin sa BATANGAS STATE UNIVERSITY GRAD. SCHOOL sa EDUKASYON, namahagi sila ng mga desk chairs at school supplies sa isang elementary school sa Lobo, Batangas. Isang maliit na simula para sa maliit na eskwelahan...ngunit malaking bagay para sa mga estudyante, pagkat kung dati'y wala silang patungan habang nagsusulat at nagbabasa...ngayon meron na...isa lang ang kundisyon..yun ay ang pagbutihan pa ang kanilang pag-aaral...kasi ito ang YAMAN na kahit sino man ay walang MAKAKAAGAW, di MANANAKAW, MASUSUNOG at MAWAWALA sa inyo...matututo po sana tayong lahat, -----MAGBIGAY...di lang materyal na bagay...kundi INSPIRASYON at PAG-ASA para sa lahat...u





